Nag-dinner date sina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Taguig City kagabi.
Ito ay sa harap ng kaliwa’t kanang memes at posts sa social media na tila nais pag-awayin o sirain ang first couple, sa harap na rin ng alitan nina Gng. Marcos at Vice President Sara Duterte.
Sa social media post, ibinahagi ng Pangulo ang mga litrato ng date nila ng unang Ginang sa isang steak fine dining restaurant sa Bonifacio Global City.
Sa bukod na social media post ay ibinahagi rin ni Gng. Marcos ang mga kaparehong litrato, at nakalagay ang caption na “date night”.
Mababatid na una nang sinabi ng first couple na ginagawa nila ang kanilang dinner date tuwing araw ng Miyerkules.