dzme1530.ph

Sabtang, Batanes, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol kagabi

Inuga ng magnitude 5.3 na lindol ang Sabtang, Batanes, alas 8:55 kagabi.

Natunton ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol na tectonic in origin, 79km timog kanluran ng Sabtang, at may lalim na dalawang kilometro.

Naitala ang Intesity 4 sa Sabtang habang Intensity 3 sa Basco, Mahatao, Ivana, at Uyugan.

Ayon sa PHIVOLCS walang inaasahang pinsala dulot ng lindol subalit posible ang aftershocks.

About The Author