dzme1530.ph

Chinese national sangkot sa illegal online gambling, naharang sa NAIA

Hawak na ng mga otoridad ang isang Chinese national na sangkot sa illegal gambling na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa natanggap na report ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, naaresto ang suspek sa NAIA terminal 1 matapos tangkaing sumakay sa Xiamen Airlines flight patungong China.

Ang pasaherong hindi na pinangalanan dahil sa Interpol protocols ay nasa blue notice hit ng BI Interpol derogatory system.

Ang criminal syndicate na kinasasangkutan ng suspek ay nag-o-perate ng online illegal gambling na nakapambiktima ng 20,000 Chinese customers.

Nakakulimbat ito ng mahigit 100 millionyuan o nasa $13 million na katumbas ng humigit-kumulang P748-M.

About The Author