dzme1530.ph

Paglaban sa plastic pollution, isinulong ng Palasyo ngayong Earth Day

Isinulong ng Malacañang ang pagtugon sa plastic pollution kasabay ng paggunita sa Earth Day.

Sa social media post, inihayag ng Presidential Communications Office na kaakibat ng temang “Planet vs. Plastics” ay ang sama-samang pagtugon sa plastic pollution upang maingatan ang kalusugan at panatilihing malinis ang kapaligiran.

Hinikayat ang lahat na palakasin ang aksyon upang protektahan ang ating nag-iisang tahanan, para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Ang Earth Day ay ginugunita sa buong mundo ngayong April 22.

About The Author