dzme1530.ph

Comelec Chairman Garcia, handang harapin ang posibleng impeachment case

Handang harapin ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia ang impeachment case na posibleng ihain laban sa kaniya kaugnay sa automation ng 2025 midterm elections.

Sinabi ni Garcia na kahit ang mga miyembro ng Comelec en banc ay handa sa naturang kaso na isumite ni dating Caloocan Rep. Edgar Erice.

Giit ng poll chairman na kahit anuman ang mangyari, alam nila na tama ang kanilang ginawa nang igawad kontrata ng automated election system sa south korean firm na Miru systems.

Nitong Huwebes, naghain ng petisyon si Erice na humihimok sa Korte Suprema na ideklarang null and void ang kontrata sa pagitan ng Comelec at Miru, dahil nilabag nito ang probisyon ng Republic Act 7369 o ang Automated Election Law, partikular sa bidding procedures at ang paggamit ng prototype machines sa panahon ng halalan.

About The Author