dzme1530.ph

3 OFWs na nasawi sa malawakang pagbaha sa Dubai, pinangalanan na

Tukoy na ang pagkakilanlan ng tatlong OFWs na nasawi sa malawakang pagbaha sa Dubai nitong mga nakalipas na araw.

Sa isang media briefing pinangalanan ni OWWA Administrator Arnel Ignacio ang mga biktimang Pinoy na sina; Dante Casipong – biktima ng sinkhole sa Dubai airport, Jennie Gamboa – at Marjorie Saquing na kapwa na-suffocate sa loob ng shuttle bus.

Dagdag pa ni Ignacio bukod pa sa tatlong nasawi, 2 Filipino pa ang naitalang sugatan na kinilalang sina Mark Louie Pimentel at Lydin Cambalon na kapwa biktima ng sinkhole incident.

Samantala, 160 Pinoy workers naman sa Abu Dhabi ang nabigyan ng financial assistance at Hygiene kits kasabay ng pamamahagi ng relief operations ng DMW-OWWA sa OFWs na lubhang naapektuhan ng mga pagbaha sa UAE.

About The Author