Hindi sususpindehin ng Metropolitan Manila Development Authority, ang pinalawak na number coding scheme ngayong araw, sa kabila ng tigil-pasada ng dalawang transport group.
Bawal paring bumiyahe ang mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa 1 at 2 na sakop ng coding tuwing Lunes.
Ito ay mula sa oras ng alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
—sa panulat ni Judea Bernardo