dzme1530.ph

Pilipinas, nominado para sa pitong parangal sa 2024 World Travel Awards

Kabilang muli ang Pilipinas sa mga nominado bilang “Asia’s Best” sa World Travel Awards (WTA) 2024.

Ngayong taon ay makikipag-paligsahan ang Pilipinas para masungkit ang pitong parangal sa WTA, na isang london-based awarding body na kumikilala ng kahusayan sa travel at tourism industry.

Nominado ang Pilipinas bilang Asia’s Leading Beach Destination, Dive Destination, at Island Destination.

Gayundin ang Intramuros bilang Leading Tourist Attraction; Boracay bilang Leading Luxury Island Destination; Cebu bilang Leading Wedding Destination; at Department of Tourism bilang Leading Tourist Board.

Ang WTA na itinatag noong 1993 ay itinuturing na “Oscars” sa travel industry.

About The Author