Bibisita sa Pilipinas si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon kasama ang Senior Business Delegation sa susunod na linggo.
Ayon sa New Zealand government, makikipagpulong si Luxon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maghahanap karagdagang oportunidad para sa kiwi businesses habang nasa bansa.
Ang pagbisita ng New Zealand prime minister sa Pilipinas ay bahagi ng kaniyang three Southeast Asian-Nation Tour simula April 14 hanggang 20.
Manggagaling muna si Luxon sa Singapore at Thailand saka didiretso sa Pilipinas.