dzme1530.ph

Pinay, patay sa sunog sa Sharjah, UAE; mister, nasa kritikal na kondisyon —DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na kabilang ang isang Pilipina sa limang nasawi sa sunog na tumupok sa isang residential building sa Sharjah, United Arab Emirates.

Sinabi ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na nasa kritikal na kalagayan dahil sa nangyaring sunog noong nakaraang linggo, ang OFW na mister ng nasawing Pinay.

Aniya, patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon ng Pinoy worker na hanggang ngayon ay nananatili sa ICU.

Inaayos na rin aniya ng pamahalaan ang repatriation ng nasawing misis, pati na ang financial at legal assistance na ipagkakaloob sa OFW na nasa kritikal na kondisyon.

Sa impormasyon ni Cacdac, 11 ang mga Pilipino na nasa residential building nang sumiklab ang sunog.

About The Author