dzme1530.ph

Pastor Quiboloy, hinamong gawin ang pagpapa-interview sa Senado

Muling hinamon ni Senate Committee on Women chairperson Risa Hontiveros si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy na tigilan na ang pagtatago sa kanyang lungga at harapin ang kanyang mga kaso.

Ito ay kasunod ng paglabas ni Quiboloy sa panayam sa mga bloggers.

Sinabi ni Hontiveros kung nagpa interview si Quiboloy sa mga blogger ay kaya nitong magpa-interview sa Senado at sagutin ang mga alegasyon sa kanya.

Iginiit ng senadora na hindi maitatago ng audio ang takot ng pastor at umalingawngaw ang baho at katotohanan ng lider ng naturang religious groups.

Tinuligsa pa ni Hontiveros ang ginawang paninira ng Pastor sa senado at sa mga lumutang na mga testigo.

Hamon pa ni Hontiveros na kung talagang matapang si Quiboloy ulitin niya ang lahat ng paninira sa loob mismo ng senado.

Tiniyak pa ng mambabatas na tuloy parin ang pagdinig ng senado sa mga pang-aabuso ng pastor sa kanyang mga dating miyembro kahit hindi ito magpakita.

 

 

About The Author