Suportado ni Sen. Lito Lapid ang mga programang inilunsad ng gobyerno kontra El Niño na posibleng umabot hanggang Agosto.
Iginiit ni Lapid na agad natugunan ng gobyerno ang patuloy na epekto ng matinding tag-init dahil natiyak ang sapat na suplay ng pagkain at naibsan ang pinsala sa lokal na ekonomiya.
Tinukoy ni Lapid ang naibigay na tulong pangkabuhayan ng pamahalaang Marcos sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Kasama rito ang P1.4 billion na pondo ng Department of Social Welfare and Development para sa mga proyekto sa agrikultura.
Suportado rin ni Lapid ang pagtugon ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. kontra sa epekto ng El Nino.
Kabilang na rito ang cloud-seeding, pagkukumpuni at rehabilitasyon ng irrigation canals, pamamahagi ng mga alagang hayop, paggamit ng low-water use technology at iba pang tulong pangkabuhayan sa mga magsasaka at mangingisda.