dzme1530.ph

Bigtime oil price hike, sumalubong sa mga nagpa-planong bumiyahe ngayong Semana Santa

Malakihang taas-presyo ang sumalubong sa mga motorista, ngayong Martes.

Sa harap ito ng paghahanda ng mga bibiyahe at magbabakasyon sa mga lalawigan ngayong Semana Santa.

Nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng ₱2.20 na dagdag sa kada litro ng gasolina habang ₱1.40 sa diesel.

Tumaas din ng ₱1.30 ang kada litro ng kerosene o gaas.

About The Author