dzme1530.ph

CCG muling nagsagawa ng mapanganib na pagmane-obra sa WPS

Muling nagsagawa ng mapanganib na pagmane-obra ang China Coast Guard laban sa barko ng Pilipinas sa Rotation and Resupply Mission sa Ayungin Shoal.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, nangyari ang insidente alas-6 kaninang umaga nang magmane-obra ang barko ng China na BN21551 sa UNAIZAH May 4, na kaparehong vessel na napinsala bunsod ng water canon attack ng CCG nitong unang bahagi ng buwan.

Kasama ng UNAIZAH May 4 ang barko ng Philippine Navy at dalawa pa mula sa Philippine Coast Guard para maghatid ng suplay at medikal na tulong sa isang tauhan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

About The Author