dzme1530.ph

Inflation rate, posibleng hindi lumobo ngayong Marso

Posibleng hindi tumaas ang inflation rate ngayong Marso, ayon kay Socioeconomic Planning Sec. Arsenio Balisacan.

Taliwas ito sa pagtaya ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona Jr. na aabot sa 3.9% hanggang 4% ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Paliwanag ni Balisacan, ito’y dahil hindi pa naipatutupad ang isinusulong na 100-peso legislated wage hike sa pribadong sektor.

Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang Kalihim na posibleng magkaroon ng hindi magandang epekto sa inflation ang panukalang umento sa sahod.

Samantala, ilalabas ng Philippine Statistics Authority ang datos sa inflation rate para sa buwan na ito, sa April 5, 2024.

About The Author