dzme1530.ph

Mahigit 30 military planes ng China, naispatan sa paligid ng Taiwan

Namataan ng Defense Ministry ng Taiwan ang 32 Chinese military planes sa palibot ng isla, sa loob ng 24-oras.

Na-detect din ang lima na naval ships na nag-ooperate sa paligid ng Taiwan, habang 20 na aircraft ang lumampas sa median line ng Taiwan Strait.

Mahigpit naman na nakamonitor ang Armed Forces ng Taiwan, kung saan nagdeploy ito ng patrol aircraft, navy vessels at coastal missile systems bilang tugon sa mga aktibidad ng China.

Nabatid na ang mga hakbang ng Beijing ay kasunod ng pagkapanalo ni Lai Ching-Te sa eleksyon para sa pagkapangulo noong Enero.

About The Author