dzme1530.ph

VP Sara, nasa Cambodia para sa tungkulin bilang Pangulo ng SEAMEO

Dumating na si Vice President Sara Duterte sa Cambodia para magsilbi sa kaniyang tungkulin bilang Pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization(SEAMEO).

Inaasahan na ipapakita ng Bise Presidente kung gaano ka-determinado ang SEAMEO na matulungan ang education sector sa naturang bansa.

Kabilang sa aktibidad ni VP Sara ay ang pagcourtesy call kay Cambodian Deputy Prime Minister at sa Minister of Education, Youth and Sport.

Bibisita rin ang pangalawang pangulo sa SEAMEO Regional Centre for Technical Education Development, at sa ilang paaralan sa Cambodia.

Inaasahan din na makikipagkita si VP sara sa Filipino Community Leaders ngayong hapon.

About The Author