dzme1530.ph

Economic cha-cha tuluyang pinagtibay ng Kamara

Lusot na rin sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang Economic Charter Change na nakapaloob sa Resolution of Both House (RBH) no. 7.

Sa 288 yes votes, 8 no votes, at 2 abstentions, mabilis na lumusot ang magbabago sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Ayon sa Saligang Batas, 2/3rd ng 309 house members ang kailangang bomoto ng pabor o 232 para mapagtibay ang economic charter change.

Iginiit ni Speaker Martin Romualdez ang kahalagahan ng proposed economic amendments sa konstitusyon, na aniya “last piece of puzzle” para tuluyang umunlad ang ekonomiya.

Aniya, ang pagbabagong ito kung raratipikahan ng taongbayan sa isang plebisito ang magsisilbing mitsa para matupad ang pangako ng mga investment missions mula sa abroad at magbubukas ng maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.

Bukod kay Romualdez, co-author din ng RBH no. 7 ang 280 legislator’s o house members.

About The Author