dzme1530.ph

BCDA, nakapag-secure ng P86-B na deals sa Australian companies

Nakapag-secure ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ng apat na deals mula sa Australian firms.

Ang apat na agreements na may kabuuang halaga na P86 billion ay tututok sa Smart City Solutions.

Ayon sa BCDA, saklaw ng mga nilagdaang kasunduan ang mga sektor ng Information and Communications Technology, Energy, at Infrastructure.

Sinabi ni BCDA President and CEO Joshua Bingcang, na makatutulong ang mga proyekto sa pagsusulong ng ligtas at matatag na kinabukasan sa digital transformation at renewable energy transition.

About The Author