dzme1530.ph

Higit P1.8-M halaga ng Kush mula California USA, naharang

Aabot sa higit P1.8 million halaga ng Kush o Marijuana ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA-PDEA-IADITG mula sa anim na parcel sa Central Mail Exchange Center Domestic Road sa Pasay mula California, USA.

Ang magkahiwalay na parcel na naharang ay pawang mga abandunado, na ideklarang sweatshirt, graphic tee, costume puzzle set, at mga sweater na naka consignee sa anim na individual na nakatira sa Laguna, Imus Cavite, at Pampanga.

Nadiskubre ang laman ng parcel nang idaan ang mga ito sa X-ray machine kung saan isiningit ang transparent plastic sachet na naglalaman ng Kush o pinatuyong dahon ng marijuana, na may bigat na 1,307 grams na may street value na aabot sa P1.829.000 800 ang halaga nito.

Bagamat tukoy na ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng mga sender at consignee ng mga naturang parcel, ay patuloy parin nagsasagawa ng follow up investigation kung sinu sino ang mga sangkot sa pagpupuslit ng iligal na droga papasok sa bansa.

About The Author