dzme1530.ph

BRP Malabrigo, hinarass at hinarang ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc

Kinumpirma ng isang security analyst na anim na Chinese Coast Guard at Maritime Militia vessels ang nang-harass at humarang sa BRP Malabrigo ng Philippine Coast Guard habang patungong Bajo de Masinloc.

Sa post sa X, sinabi ni Ray Powell, na dalawang CCG vessels at apat na militia ships ng China, ang paulit-ulit na pinaikutan at nagsagawa ng bow-crossing maneuvers sa BRP Malabrigo, sa loob ng mahigit 21-oras noong March 7.

Inihayag ni Powell na bagaman mahirap tukuyin ang eksaktong pangyayari, malinaw sa automatic identification system na hinarass ng Chinese vessels at hinarangan ang daraanan ng Philippine patrol ship.

Dalawang beses umanong tinangka ng barko ng Pilipinas na makarating sa pinagtatalunang teritoryo, subalit pinigilan ito ng dangerous maneuvers ng CCG at Chinese Maritime Militia vessels.

 

 

About The Author