dzme1530.ph

Former First Lady Imelda Marcos, papagaling na mula sa karamdaman —PBBM

Papagaling na mula sa karamdaman si Former First Lady Imelda Marcos.

Ito ay matapos ma-ospital ang dating Unang Ginang dahil sa pulmonya.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pag-bisita niya sa ospital pagkabalik mula sa Melbourne, Australia ay nakita niyang masigla ang kanyang ina, at gising pa ito kahit hatinggabi na.

Bumababa na rin umano ang lagnat ni Ginang Marcos at patungo na ito sa recovery, ayon sa kanyang medical team.

Gayunman, nagpasiya umano silang huwag muna itong ilabas ng pagamutan hanggang sa matapos ang kanyang antibiotic treatment, at upang ma-kumpleto nito ang pahinga sa ilalim ng medical supervision.

Nagpasalamat ang Pangulo sa lahat ng nagpaabot ng pag-aalala sa kanyang 94-anyos na ina.

About The Author