dzme1530.ph

2 Filipino transgender, kinasuhan sa Thailand kasunod ng gulo laban sa Thai trans

Dalawang Filipino transgender ang nahaharap sa mga kaso sa Thailand kasunod ng gulo laban sa Thai nationals.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na nasa kustodiya ng Thai Police ang mga Pinoy at nahaharap sa mga kasong Assault and Battery.

Isang Pinoy transgender din na kukuha lang ng pina-deliver na pagkain ang nasangkot din sa gulo, makaraang kuyugin ng nasa 100 Thai nationals noong Martes ng gabi.

Batay sa local reports at social media posts, nag-ugat ang gulo nang nasa 20 Pinoy ang umatake sa 4 na Thai nationals, subalit ayon sa DFA, tatlong Pinoy lamang at dalawang Thai’s ang sangkot sa insidente.

About The Author