dzme1530.ph

BI, tiniyak ang mabilis na pagproseso sa mga pasahero sa NAIA

Tiniyak ng Bureau of Immigration ang mabilis na pag proseso sa mga pasahero sa Ninoy Aquino international airport (NAIA).

Ito ang pahayag ni BI commissioner Norman Tansinco kasunod ng isang post sa X, dating Twitter, na mahaba ang pila ng mga pasahero kahapon, February 19, sa Immigration Counter matapos lumapag ang kanyang flight sa NAIA Terminal 1.

Ayon kay Tansingco, ang mahabang pila ay inaasahan dahil dumating ang 8 flight lulan ang halos 1,800 kabuuang pasahero sa parehong oras.

Nilinaw ni Tansingco na sa kabila ng mahabang pila ay mabilis na naproseso ang mga pasahero sa loob ng 40 minuto.

Kabilang sa mga flight na ito ay ang mga eroplanong nagdadala ng maraming pasahero na nagmumula sa Vancouver, San Francisco, at Los Angeles.

Dagdag pa ng opisyal lahat ng counters at e-gates na nakalaan sa mga Philippine passport ay parehong gumagana sa NAIA terminal 1.

About The Author