dzme1530.ph

Hanggang 8-oras na water interruptions, mararanasan sa ilang bahagi ng Quezon City simula ngayong Lunes

Ilang customer’s ng Maynilad sa Quezon City ang makararanas ng hanggang 8-oras na water interruption simula ngayong Lunes, Feb. 19, bunsod ng scheduled maintenance activities ng West Zone concessionaire.

Sa Advisory, sinabi ng Maynilad na tatagal hanggang sa linggo, Feb. 25, ang water interruptions, kaya hinikayat ang mga customers sa naturang lungsod na mag-imbak ng tubig, bagaman may naka-standby na water tankers para mag-deliver ng supply kung kinakailangan.

Sa pagbabalik naman ng water service, pinayuhan ang mga residente na hayaan munang tumulo ang tubig mula sa mga gripo ng ilang segundo hanggang sa luminaw ang tubig.

Kabilang sa mga maaapektuhan ng 10pm to 6am na water interruptions ang mga Barangay N.S. Amoranto, Maharlika, Paang Bundok, Capri, Balong-Bato, Baesa, Nova Proper, at Nagkaisang Nayon.

About The Author