dzme1530.ph

Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, birthday wish ang pakikipagtulungan ng mga Pinoy sa Marcos admin

Humiling si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa pakikipagtulungan ng mga Pilipino sa administrasyong Marcos, para sa kanyang ika-100 kaarawan.

Sa kanyang birthday reception sa Malacañang kahapon Feb.14, ibinahagi ni Enrile ang ninanais niyang special gift, ito ang pakikipagtulungan ng publiko mula sa pinaka-mababang antas ng lipunan para sa pagtatagumpay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ito umano ay para na rin sa kapakanan ng bansa at ng sambayanan.

Samantala, nagpasalamat din si Enrile kina former First Lady Imelda Marcos at namayapang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na sila umanong dahilan kaya’t nakamit niya ang kanyang kinalalagyan sa ngayon.

Naging emosyonal din ito sa pagbabahagi na sa kanyang ika-100 kaarawan ay nanumbalik din sa kanyang alaala ang lahat ng drama, paghihirap, pagsubok, at iba pang napakaraming bagay na nangyari sa kanyang buhay.

About The Author