dzme1530.ph

Award-winning performers, magtatanghal sa NBA All-Star 2024

Inanunsyo ng NBA ang isang star-studded entertainment lineup para NBA All-Star 2024 sa Indianapolis.

Magkakaroon ng musical acts sa buong linggo, sa pangunguna ng Youngest Female EGOT winner at daytime talk show host na si Jennifer Hudson.

Si Hudson ang magpe-perform sa halftime ng 73rd NBA All-Star game sa Feb. 18.

Kabilang din sa magkakaroon ng partisipasyon ang Indianapolis native at 13th-time Grammy Award-winning singer, songwriter, at producer na si baby face at ang Canadian Juno award-winning singer na si Charlotte Cardin, para umawit ng US at Canadian national anthem bago magsimula ang NBA All-Star game. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author