dzme1530.ph

PBBM, pinayuhan ang mga Pilipino na alagaan ang puso ngayong Valentine’s Month!

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na alagaan ang kanilang mga puso ngayong Valentine’s Month.

Sa video na ipinost sa social media, inihayag ng Pangulo na dapat alagaan ang mga puso dahil walang ibang mag-aalaga dito, lalo na kung sila ay single.

Sinabi rin ni Marcos na ang bagong Pilipino ay mas maalaga sa kanyang kalusugan.

Makikita sa video ang pag-eehersisyo ng Pangulo, at kanya ring itinampok ang ilang celebrity couples na naghiwalay kamakailan tulad nina Bea Alonzo at Dominic Roque, Kim Chiu at Xian Lim, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.—ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author