dzme1530.ph

PBBM, nangakong ipagtatanggol ang bansa laban sa anumang tangkang pag-bukod ng teritoryo

Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kanyang ipagtatanggol ang bansa laban sa anumang tangkang pag-bukod ng teritoryo, sa harap ng lumutang na “One Mindanao”.

Sa kanyang talumpati sa Constitution Day Celebration sa Makati City, tiniyak ni Marcos na hindi niya hahayaang malagasan ng kahit isang pulgada ang teritoryo ng bansa, at hindi rin papayagan ang anumang suhestyon sa paghahati rito.

Sinabi pa ni Marcos na walang anumang nakasaad sa Saligang Batas na nagpapahintulot na pagbukurin ang bansa o ang umanoy “exit provision”, at hindi rin umano nito kinilala ang karapatan sa rebelyon na may kaakibat na parusa sa batas.

Kasabay nito’y ipina-alala ng pangulo na bilang commander-in-chief ng sandatahang lakas na siya ring may kontrol sa pulisya, nasa kanya ang mandato sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at pag-protekta sa seguridad at national territory. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author