dzme1530.ph

Pulis, patay nang araruhin ng pick-up ang checkpoint sa Cavite

Patay ang isang pulis habang isa pa ang nasugatan makaraang araruhin ng pick-up truck ang checkpoint sa Silang, Cavite.

Nangyari ang aksidente sa kahabaan ng Barangay Tubuan-Dos sa bahagi ng Aquinaldo Highway.

Sa CCTV footage, nabangga ng humaharurot na pick-up ang nasawing si patrolman John Carl Delyola na pumailalim sa sasakyan at nakaladkad pa ng ilang metro.

Nagtamo naman ng mga pinsala sa katawan ang kasama nitong si Police Corporal Adriene Atienza.

Nadakip ng mga otoridad ang 22-anyos na driver ng pick-up na si Jemuelle Belen, na lasing na lasing nang mangyari ang insidente. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author