dzme1530.ph

Bayan ng Asuncion sa Davao del Norte, isinailalim sa State of Calamity dahil sa baha

Idineklara ang State of Calamity sa Bayan ng Asuncion sa Davao del Norte makaraang mahigit 600 pamilya ang inilikas dahil sa baha.

Dulot ng mga pag-ulan na dala ng Shear line ang malawakang pagbaha sa Davao del Norte na nakaapekto sa mahigit 16,000 pamilya.

Kinailangan pang gumamit ng bangkang kawayan ng ilang residente para makatawid o makalikas mula sa lampas taong tubig baha.

May ilang pamilya rin na na-trap sa kanilang mga bahay at nangangamba dahil apektado na ang kanilang hanap-buhay.

Pahirapan din ang pagdaan sa kalsada ng mga ambulansyang magba-biyahe ng mga pasyente, kaya naman inilipat ang mga ito sa truck ng Philippine Army. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author