dzme1530.ph

Mas marami pang cruise passengers, target pumunta ng MIMAROPA ngayong taon

Inaasahan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (MIMAROPA) region ang mas maraming cruise passengers ngayong taon.

Ayon sa Department of Transportation-MIMAROPA, nakatakdang magkaroon ng 37 cruise calls ang rehiyon ngayong taon.

Mula sa naturang bilang, 28 dito ay para sa Palawan, 4 ang para sa Apo Reef, Natural Park at Lubang Island sa Occidental Mindoro, 3 sa probinsya ng Romblon, at 2 sa Marinduque.

Nabatid na may kabuuang bilang na 125 ports of call ang bansa noong nakaraang taon.

 

 

About The Author