dzme1530.ph

Mahigit P16-M na jackpot sa Lotto 6/42, solong napanalunan

Solong tinamaan ng masuwerteng Lotto bettor ang mahigit P16 million na jackpot sa Lotto 6/42 draw, kagabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natsambahan ng lotto bettor ang winning combination na 04 – 39 – 23 – 19 – 17 at 36, na may kabuuang premyo na P16, 813, 380.40.

Samantala, mailap pa rin ang jackpot sa SuperLotto 6/49 na nagkakahalaga ng mahigit P556 million.

Wala ring nanalo sa UltraLotto 6/58 na may jackpot prize na P49.5 million. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author