dzme1530.ph

Sen. Poe, iginiit na dapat may managot sa power outage sa Panay Island

Dapat may managot sa patuloy na problema sa suplay ng enerhiya sa Panay Island.

Ito ang iginiit ni Senador Grace Poe sa paggiit na hindi katanggap-tanggap na nangangapa na naman sa dilim ang ating mga kababayan sa Panay Island.

Iginiit ni Poe na kawawa ang mga nasa bahay, mga estudyante, negosyo at maging ang operasyon ng lokal na pamahalaan.

Dapat anyang gawan na ng paraan ng mga concerned agencies at private companies na maibalik ang suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon.

Ipinaalala ng senador na dapat ang nangyaring power outage sa island provinces noong nakaraang taon ay nagsilbi nang eye opener sa NGCP at power utilities.

Dapat anyang mas napaghandaan na ito ng mga ahensya ng gobyerno ngayong taon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author