dzme1530.ph

Philippine Embassy sa Japan inaalam kung may kasamang sakay na Pinoy sa nagliyab na Japan Airlines

Patuloy na kinukumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Japan kung may pasaherong Pilipino ang nadamay sa pagliyab ng Japan Airline matapos magkaroon ng collission sa Japanese Coast Guard Aircraft, kamakailan.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Mylene Albano na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Japan kung may nakabilang na Pilipinong nadamay sa naturang insidente.

Dagdag pa ni Ambassador Albano na nakahanda ang embahada sa Japan kung sakaling may Pilipinong nadamay sa pag bibigay ng anumang tulong mula sa gobyerno.

Kaungay nito umabot sa labing apat na ang naiulat na sugatan mula sa 367 pasahero na lulan ng naturang eroplano. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author