dzme1530.ph

Xian Gaza, pinuntirya ang ilong ni Alex Gonzaga, katulad umano sa mga ladyboy sa Thailand

“Ang ganda-ganda niya na eh, sinira pa” isa sa mga katagang ibinahagi ng internet celebrity na si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang Xian Gaza.

Sa Facebook post nito, ibinahagi ni Xian ang kaniyang mga opinyon kung saan, pare-pareho aniya ang enhanced nose ng mga lady boy o transgender woman sa Thailand, sa ipinagawang ilong ni Alex Gonzaga.

Iginiit ni Xian, na wala namang masama sa pagpaparetoke lalo na kung maganda ang kinalabasan, kaya naman nang makita nito ang post ni Alex, ay hindi naging positibo ang kaniyang opinyon.

Present naman sa comment section ang mga supporters ni Alex at sinabihan pa si Xian na huwag maki-elam sa buhay ng iba. —sa panulat ni Fremie Belamala

About The Author