dzme1530.ph

Board members ng MIC, sumabak na sa inaugural meeting upang talakayin ang mga plano sa Maharlika Fund

Sumabak na sa Inaugural Board Meeting ang board members ng Maharlika Investment Corp., na itong mamamahala sa Maharlika Investment Fund.

Tinalakay sa pulong ang Fund Capitalization at Potential Sectors na maaaring pasukin upang makamit ang commercial, economic, at social development value creation.

Isinagawa rin ang nominasyon para sa Chairpersons ng Board Committees kasabay ng pagdaragdag ng iba pang komite.

Kabilang sa mga dumalo sa meeting ay sina MIC Board Ex Officio Chairman at Finance Sec. Benjamin Diokno, MIC President and Chief Executive Officer Rafael Consing Jr., Land Bank PCEO Ma. Lynette Ortiz, at Development Bank of the Philippines Chief Michael de Jesus.

Kasama rin ang MIC Directors na Sina Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco II, at Roman Felipe Reyes. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author