dzme1530.ph

MRT-3, nakapagtala ng higit 100M pasahero noong 2023

Napagsilbihan ng Metro Rail Transit Line (MRT) 3 ang 129 million na pasahero sa taong 2023.

Ayon sa Department of Transportation, nakapagtala sila ng kabuuang bilang na 129,030,158 na pasahero noong nakaraang taon.

Samantala, nakinabang naman ang nasa 220,706 na pasahero sa libreng sakay program ng MRT-3 noong 2023.

Inaasahan naman na tataas pa ang pamasahe sa MRT-3 sa unang bahagi ng taong kasalukuyan.

About The Author