dzme1530.ph

Relasyon ng Pilipinas at China, nasa sangang-daan —Chinese Foreign Minister

Itinuturing naman ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na nasa sangang-daan ang relasyon ng Pilipinas at China ngayon.

Sinabi ni Wang na dahil dito ay dapat maging maingat ang mga kilos ng Pilipinas, at kung nasa maling direksyon ay dapat bumalik sa tamang landas at gawing prayoridad ang maayos na paghawak sa kasalukuyang maritime situation.

Sa ulat ng Xinhua, binalaan daw ng China ang Pilipinas na kung magkakamali ang Pilipinas ng pagtaya sa sitwasyon, gaya ng pagsasarili o makipagsabwatan sa mga mayroong masamang intensyon para manggulo ay dedepensahan ng China ang kanilang karapatan at mariing tutugon.

About The Author