dzme1530.ph

PBBM, tiniyak na hindi pamamanahan ng malaking utang ang mga susunod na henerasyon!

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi nito pamamanahan ng malaking utang ang mga susunod na henerasyon ng bansa.

Sa talumpati sa ceremonial signing ng 5.768 trillion pesos 2024 national budget, inihayag ng Pangulo na katulad ng ibang gobyerno, ang pondo ng bansa ay nalilimitahan sa kung ano ang kayang kolektahin mula sa buwis.

Sinabi ni Marcos na kung tutuusin, maaaring umutang na lamang ng umutang ang gobyerno at ipasa na lamang ito sa ating mga anak.

Gayunman, iginiit ng chief executive na ang utang ay isang bagay na hindi niya nais na iwan sa mga susunod na henerasyon.

Binigyang-diin pa ng Pangulo na kaakibat ng maayos na pamamahala ng pondo ay ang disiplina ng pag-iwas sa tukso ng pagpapalobo sa utang ng Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author