Nakatakdang magpatupad ang mga oil company ng price adjustments bukas, December 19.
Ayon sa Pilipinas Shell, epektibo pagsapit ng alas-6 ng umaga ang P0.95 na tapyas-presyo sa kada litro ng kerosene, P0.10 centavos naman ang rollback sa bawat litro ng diesel, habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina.
Sinabi naman ng Cleanfuel na epektibo pagsapit ng alas-4:01 ng hapon ang P0.10 na bawas-presyo sa diesel habang wala ring paggalaw sa presyo ng gasolina.
Una nang inihayag ng Dept. of Energy na posibleng magkaroon ng oil price rollback isang linggo bago ang araw ng pasko base sa 4-day trading ng Mean of Platts Singapore. —sa panulat ni Airiam Sancho