dzme1530.ph

Veteran actor na si Ronaldo Valdez, pumanaw sa edad na 77

Pumanaw na ang veteran actor na si Ronaldo Valdez sa edad na 77.

Kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagpanaw ng beteranong aktor, kahapon.

Sa kasalukuyan ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya tungkol sa pagkamatay ng multi-awarded actor.

Kabilang sa huling projects ni Valdez ay ang “2 good 2 be true” na pinagbidahan ng KathNiel, kung saan ang pagganap niya bilang “Lolo Sir” ay tumatak sa mga kabataang manonood.

Nagsimula ang acting career ni Valdez noong mid-60s, hanggang sa makilala siya bilang versatile actor at mahusay na ginampanan ang pagiging bida, kontrabida, pati na gay roles.

Inulila nito ang dalawang anak na sina Janno Gibbs at Melissa Gibbs. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author