dzme1530.ph

6 na rebelde, 1 sundalo, patay sa engkwentro sa Batangas

Anim na miyembro ng New People’s Army at isang sundalo ang nasawi sa engkwentro, sa bayan ng Balayan sa Batangas.

Sinabi ni Lt. Col. Hector Estolas, Public Affairs Office Chief ng 2nd Infantry Division ng Army, na nagpa-patrolya ang mga sundalo mula sa 59th Infantry Battalion nang makasupa ang mga rebelde sa Barangay Malalay.

Narekober ng mga sundalo sa encounter site ang dalawang M16 rifles, isang M53 rifle at isang shotgun.

Bukod sa isang sundalong nasawi, tatlong iba pa ang nasugatan sa bakbakan laban sa mga miyembro ng NPA. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author