dzme1530.ph

BOC, nakakolekta na ng P764-B, as of Nov. 10

Nakakolekta na ang Bureau of Customs (BOC) ng P764-B, as of Nov. 10, kaya naman kumpiyansa ang ahensya na malalagpasan nila ang kanilang target ngayong 2023.

Sinabi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na inuugnay nila ang achievement na ito sa tumaas na trade activity, pinaigting na Customs Operations, at pinalakas na mga hakbang upang mapagbuti pa ang revenue collection.

Idinagdag ni Rubio na ang kanilang koleksyon simula noong Enero hanggang ngayong Nobyembre ay mas mataas na ng 2.7% sa kanilang target.

Ngayong 2023 ay inatasan ang BOC na kumolekta ng P874.166-B makaraang umabot sa P862.93-B ang kanilang koleksyon noong 2022. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author