dzme1530.ph

Kaanak ng yumaong si Joey Paras, umapela ng tulong

Umapela sa publiko ng tulong pinansyal ang pamilya ng yumaong Theater Actor at Comedian na si Joey Paras.

Ayon kay Zciara Fabian, pamangkin ni Paras, may mga kailangan pang bayaran sa ospital bago maiuwi ang labi ng kaniyang tito.

Aniya, sakaling may mabuting pusong nais magpaabot tumulong sa kanilang pamilya ay direktang magpadala mensahe sa Facebook ni Fabian gayung mayroon na aniyang pilit nag-re-reset ng kaniyang GCash account.

Sa ngayon, nananatili pa sa morge ang katawan ng komedyante.

Nabatid na sumailalim sa heart operation si Paras noong 2013, at mula noon ay pabalik-balik na ito sa ospital para sa mga check-up at iba pang heart procedures.

Matatandaang kinumpirma ni Zciara na pumanaw kahapon ang kaniyang tiyuhin matapos ang dalawang magkasunod atake sa puso sa edad na apatnapu’t lima.

—Ulat ni Ariam Sancho

About The Author