dzme1530.ph

DOTr Sec. Bautista nag inspection sa PITX

Binisita ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at iba pang transport officials ang Paranaque Integrated Terminal Exchange upang siguruhin ang kahandaan ng bus terminal sa darating na BSKE at Undas.

Unang inikot ng kalihim ang waiting area ng pasahero maging ang bus bay kung saan kinumusta nito ang mga on-board passengers na babiyahe paalis ng PITX.

Ininspeksyon din ng DOTr officials ang mga bus na paalis ng terminal upang tiyaking nasa tamang kondisyon itong babiyahe para sa kaligtasan ng mga pasahero.

About The Author