dzme1530.ph

2024 budget para sa regional hospitals, itinaas sa halos P50-B para sa pagpapawalak ng Specialty Centers!

Naglaan ang Administrasyong marcos ng halos P50-B sa ilalim ng proposed 2024 national budget, para operational costs ng 68 regional hospitals at iba pang health facilities ng Dep’t of Health sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ayon sa Dep’t of Budget and Management, ito ay mas mataas ng P1.31 billion mula sa P48.44-B budget sa kasalukuyang taon, bunga ng adjustments sa normative financing ng DOH hospitals.

Kabilang dito ang kakailanganing pondo para sa expansion ng specialty centers, na adhikain ng administrasyon.

Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na layunin ng pagdaragdag ng budget na mapalakas ang primary healthcare facilities, matiyak ang kalusugan ng pamilyang Pilipino, at maiwasan ang pag-usbong ng panibagong health crisis. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author