dzme1530.ph

Liderato ng Kamara, nakakuha ng suporta laban sa mga binitiwan ni Ex. Pres Duterte

Kinatigan ng isang Mindanaoan legislator si Speaker Martin Romualdez sa mga banat na binitiwan ni dating Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon kay Davao de Oro Rep. Maricar Zamora, matibay ang kanyang suporta sa liderato ng kamara at sa mga kawani nito na patuloy sa kanilang trabaho may sesyon man o wala.

Si Zamora na kasapi ng Hugpong ng Pangbabago (HNP) ni Vice President Sara Duterte ang nag sponsor sa budget ng Department of Education at Office of the Vice President.

Gayunman nanindigan ito na bagaman at hindi perpekto ang Kamara bilang institusyon, batid nito ang dedikasyon ng 19th Congress sa pag-apruba sa priority measures at pagda-dala ng serbisyo sa taumbayan.

Aniya pa, respetado nila ang ginawang paglipat ng kabuuhang 1.23-billion peso confidential funds sa mga civilian agencies dahil dinala ito sa mga tanggapan na nagbibigay seguridad sa bansa. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author