dzme1530.ph

Pelikula ni Bea Alonzo na “1521,” wagi sa Sweden Film Awards 2023

Itinanghal ang “1521: The Quest for Love and Freedom” na pinagbidahan nina Bea Alonzo, Hector David Jr., at Danny Trejo bilang isa sa mga nanalo sa Sweden Film Awards 2023.

Nasungkit din ng naturang pelikula ang Best Cinematography Feature Film Award sa Sweden-based award giving body, na makikita sa kanilang official website.

Gayunman, nabahiran ng kontrobersiya ang pre-colonial Philippines-centered film, makaraang ibunyag ng kampo ni bea na hindi ito pinag-promote ng pelikula bunsod ng umano’y hindi tamang pagtrato sa kanyang team, at hindi pagbabayad sa ibang talents sa pelikula.

Itinanggi naman ito ng producer sa pagsasabing ang aktres ang mayroong mga “unressonable demands” habang ginagawa ang pelikula. —sa panulat ni Lea Soriano 

About The Author