dzme1530.ph

3 Pilipinong mangingisda na nasawi makaraang mabangga ang kanilang bangka sa Scarborough Shoal, nailibing na

Naihatid na sa kanilang huling hantungan ang tatlong Pilipinong mangingisda na nasawi makaraang mabangga ng foreign commercial vessel ang kanilang bangka sa Scarborough Shoal.

Patuloy pa rin ang panawagan ng mga naulilang pamilya ng hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay, pati na rin ng tulong mula sa pamahalaan.

Madaling araw noong nakaraang Lunes nang salpukin ng dayuhang barko ang bangka ng mga mangingisda na nakatigil 85 nautical miles hilagang kanluran ng Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

Nagresulta ito sa pagkamatay ng 47- anyos na kapitan ng barko at dalawang tripulante na 38-anyos at 62- anyos. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author